Sa ating lipunan, hindi na bago ang eksena ng mga taong nag-aaway sa kalsada o sa eskinita. Madalas, simpleng hindi pagkakaintindihan ay lumalabas na agad sa suntukan at sigawan. Ngunit kung titingnan natin nang mas malalim, mapapansin na karamihan sa mga ganitong sitwasyon ay nagmumula sa mga taong kulang sa edukasyon o hindi nakapag-aral.
Ang edukadong tao, sa halip na makipag-away, mas pinipiling dumaan sa tamang proseso—pagsasampa ng kaso sa hukuman o paglapit sa barangay. Hindi ito kahinaan, bagkus ay isang palatandaan ng tunay na lakas at paggalang sa batas. Samantalang yaong mga agad sumusugod sa karahasan ay nagpapakita lamang ng kawalan ng disiplina at kaalaman. Ang sabi nga ng marami, "Ang taong may pinag-aralan, marunong magtimpi; ang walang pinag-aralan, palaging padalos-dalos."
Mahalaga ang edukasyon, hindi lamang para sa trabaho o magandang buhay, kundi upang hubugin ang tamang asal at pananaw. Ang taong marunong magbasa ng sitwasyon at umunawa ng konsepto ng respeto ay hindi madaling natutukso sa pagiging marahas. Samantalang yaong kulang sa kaalaman ay madalas maipit sa maling paniniwala na ang pakikipag-away ay sukatan ng tapang.
At dito pumapasok ang mensahe ni Michael Jackson sa kanyang kanta na Beat It. Ang tunay na matapang ay marunong umiwas sa walang kwentang gulo. Hindi pagiging duwag ang hindi lumaban; bagkus, ito ay tanda ng pagiging sibilisado, may pinagaralan, at marunong rumespeto sa sarili at sa kapwa.
Sa huli, tama si MJ: “Beat it.”
(Pero hindi ito yung sigaw ng coach ng ibang course sa Intrams na tipong “Talunin ang IT!” 😅😉)
Ang tunay na ibig sabihin ay Beat it — itigil ang kaguluhan, iwasan ang gulo, piliin ang tama, at higit sa lahat, pairalin ang Pinag Aralan kaysa sa karahasan.
Margaret KuhicAt first, you’d probably think he was about to get a scolding — maybe even a smack — but that first impression was wrong, which explains why he reacted the way he did.
Zakary Botsfordyes baka may may mga tiga batanggas na pumunta
Magandang araw mga kababayan, narito na naman tayo sa ating showbiz balita! Ang ating bida ngayong tanghali, walang iba kundi ang King of Pop na si Michael Jackson. Ayon sa ating ulat, isang babae na nagngangalang Billie Jean ang lumapit at nagdulot ng matinding kontrobersya.
Ayon sa babae, si Michael daw ang ama ng kanyang anak. Ngunit mariin itong itinanggi ni MJ. Aniya: ‘Billie Jean is not my lover, she’s just a girl who claims that I am the one — pero ang bata ay hindi ko anak!’
Dagdag pa ng King of Pop, siya ay nagbigay babala: mag-ingat sa mga relasyon at huwag basta-basta, dahil ang chismis minsan nagiging parang katotohanan.
Kung iisipin, mga kababayan, hindi malayo ang ganitong mga eksena sa ating showbiz dito sa Pilipinas. Matatandaan natin ang mga isyu noon kina Master Rapper Francis Magalona at King of Philippine Movies Fernando Poe Jr., na minsan ding naintriga sa mga usaping may kaugnayan sa pagkakaroon umano ng anak sa labas. Sa kabila ng kanilang kasikatan, naranasan din nilang madawit sa mga kontrobersiya na minsan ay walang matibay na ebidensya, kundi haka-haka at tsismis lamang.
At dito pumapasok ang mas malaking usapin: sa panahon ng Fake News at Propaganda, madalas ginagamit ang mga ganitong kwento para sirain ang reputasyon ng mga iniidolo, o para ilihis ang atensyon ng publiko. Isang kwento na paulit-ulit inuukit sa headlines at social media hanggang sa kalaunan ay tanggapin ng ilan bilang katotohanan, kahit walang sapat na basehan.
Mga kababayan, sa gitna ng kasikatan at kinang ng spotlight, laging may mga taong susubok sumabit sa iyong pangalan. Kaya paalala ni Michael Jackson — at aral din mula sa karanasan ng ating mga lokal na idolo — Think twice, be careful of what you do. At higit sa lahat, matuto rin tayong maging mapanuri: hindi lahat ng naririnig at nababasa ay totoo.
At yan po ang ating showbiz balita ngayong tanghali. Ako po si Aylin Thompson, para sa DZMJ News Patrol, naghahatid ng kwento ni Michael at Billie Jean — at ang realidad ng buhay ng mga bituin, sa gitna ng tsismis, fake news, at propaganda